Dati akong mahilig mag-smile, maski kaninong tao na makakasalubong ko, mapa-school at sa work. Naisip ko lang hindi pala lahat ng taong ngingiti sa’yo eh magiging kaibigan mo or sila ay may magandangf intensyon sa’yo.
Natuto akong umiwas sa ngiti ng bawat taong makakasalubong ko, hindi naman sa badtrip ako bawat araw, sinusuklian ko na lang ng tingin na sakto lang. Straight face or poker face, magkaiba ba ‘yun?
Makikilatis mo ang isang tao hindi sa itsura niya pero madadaan ito sa pakiramdaman, lalo na kapag nakausap mo. Meron yung unang usap pa lang ramdam mo na na may koneksyon, walang halong pagpupumilit or pagpapanggap. Hindi ko rin kasi hilig ang pinaprangka pero masasabi kong kaya kong humarap sa prangkahan. Ang problema nga lang, hindi ko kasi hinahaluan ng pamemersonal or emosyon ang lahat ng sasabihin ko, maging ang sasabihin sa akin eh pinipili ko kung alin ang tatanggapin ko. Pero makikinig ako kung alinman ang sasabihin ng ibang tao, pero hindi yun nangangahulugan na tinatanggap ko ang lahat ng sasabihin nila.
Emotional ako, pero hindi sa lahat ng pagkakataon. Bihira na ako umiyak, at sa lahat ng magiging dahilan ng pag-iyak ko eh kay Oprah pa ako maiiyak. Pangit kasi ang itsura ko kapag umiiyak.
August 2010, yan ang huling pagkakataon na umiyak ako ng todo. Sa loob ng kuwarto, hanggang sa mabasa ng luha ang mga unan ko.
Hindi mo ako masisisi kung bakit napaka-manhid ko. Hindi naman sa wala akong pakialam sa ibang tao, sa kanilang nararamdaman - sadyang hindi na talaga ako iyakin.
Ganito lang siguro kapag tumatanda, sa dami ng naiisip mong realidad ng buhay, hindi mo na alam kung alin ang uunahin mo. At sa dami rin ng napagdaanan mo na problema, heartaches at disappointments mas tumatatag ka. Hindi naman kasi nangangahulugan na kapag hindi ka umiiyak, wala ka ng puso - walang pakiramdam. Pero kung iisipin mo, hindi ba’t mas mahirap ang hindi mo mailabas ang bawat hinanakit mo, para kang bomba…any moment pwede kang sumabog bigla.
Hindi ko nga maintindihan ‘tong sinusulat ko, gusto ko lang magsulat dahil siguro bored ako. Or wala lang akong makausap… kaya minsan sa pagsusulat kinakausap ko ang sarili ko.
Ikaw tatanungin ko, umiiyak ka ba palagi? Sakit sa dibdib no?